Tingog

Speaker Romualdez, Tingog, DSWD naghatid ng tulong sa Maguindanao Del Norte

98 Views

NAGHATID ng tulong ang tanggapan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 12 sa mga nasalanta ng bagyong Paeng sa Maguindanao Del Norte.

Nagkakahalaga ng tig-P3,000 ang tulong na inihatid sa may 100 benepisyaryo sa Brgy. Tubuan, Datu Blah Sinsuat Maguindanao Del Norte.

Nagpasalamat naman si City Councilor Bong Kuga at mga opisyal ng Barangay sa inihatid na tulong sa kanilang mga constituent.

“Malaki ang pasasalamat ng aming baranggay sa mga tulong na ibinigay sa amin noong nakaraang kalamidad,” ani Kuga. “Naghatid kayo ng relief packs at ngayon naman ay para mabigyan ulit tayo ng financial assistance. Hindi po madali sa kanila ang pumunta dito sa ating liblib na lugar dahil kailangan pang lumusong sa ilog para makatawid sa ating baranggay. Kaya’t lubos kaming nagpapasalamat sa inyo Speaker Martin Romualdez at sa Tingog Party-list.”