Alex di nakapunta sa kasal ni Angeline dahil ‘si Angge may kasalanan’

Vinia Vivar Apr 28, 2024
29 Views

Sa pamamagitan ng Instagram post ay nagpaliwanag at nag-sorry si Alex Gonzaga kay Angeline Quinto sa hindi niya pagdalo sa kasal nito.

Matatandaan na ikinasal si Angeline sa kanyang non-showbiz partner na si Nonrev Daquina last Thursday, April 25, sa Quiapo Church.

Sa Instagram Story ni Alex ay nag-post siya ng wedding photo nina Angeline at Nonrev at binati niya ang bagong kasal kasabay ng pag-a-apologize sa hindi niya pagsipot.

Ayon kay Alex, si Angeline din ang may kasalanan kung bakit hindi siya nakarating sa wedding.

“Congrats nonrev and angge!” she wrote. “Sorry di nakapunta.”

Patuloy niya, “Si angge kasi may kasalanan. Pero HAPPY AKO PARA SA INYO!! God bless your marriage and family more.”

Nirepost naman ni Angeline sa kanyang IGS ang message ni Alex at nilagyan niya ng caption na “Hahahaha (laughing face with tears emojis).