Daniel

Malutong na pagmumura ni DJ sa b-day party viral

Vinia Vivar Apr 30, 2024
42 Views

Viral ngayon ang video kung saan ay mapapanood at maririnig ang malutong na pagmumura ni Daniel Padilla habang kumakanta sa kanyang birthday celebration kamakailan sa Batangas.

Sa TikTok video na in-upload ng isang Jaix_16, makikitang kinakanta ni Daniel ang favorite song niyang Hinahanap-hanap Kita ng Rivermaya.

Pero sa isang bahagi ng kanta ay dinagdagan ni DJ ang lyrics nito.

Sa parteng “at libo pang pinagsamahan, mukha yatang nilimot na ng pusong mong biglang lumisan at may kapiling nang iba,” siningitan ito ng aktor ng mura.

“Puso mong biglang lumisan, P**tang i*a! May kapiling ka nang iba!” ang sigaw ni Daniel.

Maririnig sa video ang palakpakan at hiyawan ng mga taong dumalo sa birthday party.

Pinagkaguluhan agad ng mga Marites ang nasabing video at ang feeling nga ng marami ay para sa ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo ang nasabing lyrics at pagmumura.

Siyempre, kasama rin sa komento nila ang hinalang nagseselos si Daniel kay Alden Richards na siyang maingay na nali-link ngayon kay Kathryn bukod pa nga sa gagawin ng KathDen ang part 2 ng Hello, Love, Goodbye.

Narito ang iba’t ibang reaksyon ng mga netizen:

“The confirmation we didn’t know we needed, Ahhhh My KathDen heart.”

“First time kong makita si Daniel na magaling umarte.”

“Kung ayaw mung makitang mahalin ng iba, ingatan mo. Simple as that.”

“Malalaman mo talaga kung sino ang may mali sa relasyon sa pinapakitang behaviour.”

“Skusta Clee pero pogi version.”

“Ayos lng yan Deej mkkhanap ka din makakasama habambuhay.”