Eala Larawan: Presidential Communications Office

Alex Eala balik-Pinas matapos ang makasaysayang Wimbledon run

21 Views

Eala1

Eala2
Larawan: Presidential Communications Office

Nagbalik na sa Pilipinas si Filipina tennis star Alex Eala matapos ang kanyang makasaysayang kampanya sa 2026 Wimbledon Championships, kung saan siya ang naging kauna-unahang Filipina sa Open Era na umabot sa fourth round ng prestihiyosong Grand Slam tournament.

Ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagdating ni Eala sa Maynila, kung saan sinalubong siya ng mga opisyal ng pamahalaan at mga tagasuporta.

Ayon sa PCO, umuwi si Eala matapos ang isang kahanga-hangang Wimbledon run na umani ng atensyon mula sa tennis fans sa iba’t ibang panig ng mundo at nagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino dahil sa kanyang breakthrough performance sa isa sa pinakamalalaking entablado ng tennis.

Naging sentro ng pandaigdigang usapan si Eala matapos niyang talunin ang defending champion at world No. 1 na si Iga Swiatek sa third round bago nagtapos ang kanyang kampanya sa fourth round.

Binigyang-diin din ng PCO na ang naging tagumpay ni Eala ay nagsilbing simbolo ng husay, determinasyon at world-class potential ng mga atletang Pilipino sa international stage.