Hot News

Pakikiramay sa pamilya bumuhos sa pagpanaw ni JV Gallego

127 Views
Gallego
Larawan: Colegio San Agustin-Makati

NAGLUKSA ang komunidad ng Colegio San Agustin-Makati matapos ipahayag ang pagpanaw ni John Vincent “JV” A. Gallego, 28, head coach ng Boys Aspirants at Boys Juniors Basketball Team ng paaralan.

Sa inilabas na pahayag ng Colegio San Agustin-Makati, sinabi nitong maaalala si Gallego hindi lamang sa kanyang dedikasyon sa basketball kundi maging sa malasakit, paggabay at hindi matatawarang pagmamalasakit sa kanyang mga manlalaro at kapwa Augustinian.

Ayon pa sa paaralan, nag-iwan ng pangmatagalang pamana si Gallego sa komunidad sa pamamagitan ng kanyang kabutihan, liderato at pagmamahal sa mga estudyanteng atleta na kanyang hinubog.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang paaralan sa pamilya, mga kaibigan, manlalaro at lahat ng nakakilala sa coach. Hindi naman ibinahagi sa pahayag ang sanhi ng kanyang pagpanaw.

Nanalangin din ang Colegio San Agustin-Makati para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Gallego at nagpasalamat sa kanyang naging serbisyo at ambag sa kanilang basketball program.