Calendar
Ayon kay Police Major.Kevin Rey Bautista, ang suspek ay nasakote sa pamamaril na ikinamatay ng padre de pamilya sa Tondo, Manila.
JONJON C. REYES
Ama binoga habang kumakain sa loob ng bahay, nasawi
NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang suspek sa pamamaril at pagkamatay ng padre de pamilya pagpatay sa harap ng kanyang pamilya habang kumakain sa loob ng kanilang bahay sa Aroma Compound sa Tondo, Maynila, Martes ng hapon.
Ayon sa report ni Police Major Kevin Rey D. Bautista, Assistant Chief ng S.Ma.R.T, MPD, bandang 2:15 ng hapon nang maaresto sa bisa ng arrest warrant ang suspek sa tapat ng Blk 6 Lot 119 Ph1, D. Kasiglahan Village, San Jose, Montalban, Rizal.
Nakilala ang suspek na si alyas Loui, isang “Most Wanted Person” (District Level).
Ang warrant of arrest para sa krimeng pagpatay ay inisyu laban sa suspek ni Manila RTV Branch 35 Judge Jose V. Covarrubias III.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Ayon pa sa dagdag na impormasyon, kinilala din ang suspek bilang isang High Value Individual (HVI) sa ilalim ng kampanya laban sa ilegal na droga at kabilang sa mga target na personalidad sa ilalim ng COPLAN “AROMA,” na kumikilos sa mga lugar ng Aroma Compound at Happy Land, Brgy. 105, Tondo, Manila
Base sa imbestigasyon, ang naarestong suspek ay sangkot sa isang kaso ng pagpatay na naganap noong Oktubre 5, 2025, bandang alas-9:00 ng gabi.
Ang biktima ay pinagbabaril sa loob ng Bldg.19, Aroma Compound, Brgy. 105, Tondo, Manila.
Samantala matatandaan na una nang nahuli ng MPD ang kasama nito sa pagpaslang noong nakaraang taon.
Ang suspek ay inaresto ng mga operatiba ng Special Manila Reaction Team (S.Ma.R.T) sa pamumuno nina PMaj. Kevin Rey D. Bautista at PLT Ryan O. Valenzuela, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Cicero M. Pura, Chief, S.Ma.R.T.
Nagpasalamat si MPD Chief PBGen. Arnold Santiago sa kanyang mga kapulisan dahil sa mapayapang pag aresto sa suspek na nakakulong na sa MPD Homicide.
