Dialysis Center

Pagtatayo ng bagong dialysis center sa Manila sisimulan na

Edd Reyes Aug 13, 2026
82 Views

Dialysis Center SISIMULAN na ang pagtatayo ng bagong hemodialysis center sa Pedro Gil Residences na proyektong pabahay ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Huwebes ng umaga nang ganapin ang groundbreaking para sa pasilidad na pinangunahan nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Chi Atienza.

“Today, we, the private sector and your city government, entered into an agreement to bring it closer to the community,” pahayag ng alkalde.

Sa kasalukuyan, may pasilidad sa pagda-dialysis ang lokal na pamahalaan sa Santa Ana Hospital at Ospital g Maynila habang bubuhayin na ring muli ang ganitong pasilidad sa Gat Andres Bonifacio Medical Center upang mapalawak ang pagseserbisyo sa mga may sakit.

Nagpasalamat ang alkalde sa pribadong sektor sa kanilang nai-ambag upang maisakatuparan ang proyekto.