Showtime Larawan mula sa IG/@annecurtissmith

Anne ‘sabaw’ sa Hong Kong, ibang Ogie na-tag sa pic

161 Views

KINAALIWAN ng netizens ang panibagong “sabaw” moment ng TV host-actress na si Anne Curtis matapos itong magkamali nang na-tag na “Ogie.”

Sa kanyang Instagram page nitong Biyernes, Oktubre 20, ibinahagi ni Anne ang isang video reel kung saan makikita ang masayang bonding moments ng “It’s Showtime” hosts sa Hong kong habang pansamantalang wala sa ere ang noontime show.

Ang comedian-actor at entertainment reporter na si Ogie Diaz kasi ang na-tag ni Anne sa post imbis na kapwa nito host at singer-songwriter na si Ogie Alcasid.

“Ms. Anne, di po ako kasama sa hk, si @ogiealcasid po. Diaz po ako. Hahahaha,” komento ng entertainment reporter.

Natawa na lamang ang TV host-actress sa pagkakamaling nagawa niya.

“@ogie_diaz hahahaha pasensya na Po! Hhahahahaa,” sey ni Anne sa komento ni Diaz.

Itinama naman na ni Anne ang pag-tag at inilagay na ang IG handler ni Ogie Alcasid.