Mariel Larawan mula sa IG/@marieltpadilla

Mariel ginamit mukha sa fake ad: ‘Ako nga tigilan niyo ako’

124 Views

BINASAG ng TV host-actress na si Mariel Rodriguez-Padilla ang diumano’y pekeng advertisements na ginagamit ang kanyang pangalan at mukha.

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ng celebrity mom ang screenshots ng post galing sa isang Facebook page na nakapangalan sa kanya.

Patungkol ang post ng FB page na “Mariel Padilla Beauty” sa isang healthy detox drink, kalakip ng mahabang caption ang larawan ni Mariel na hawak-hawak ang produkto.

Hindi ikinatuwa ng TV host-actress nang malamang ginagamit siya sa pekeng advertisements at pinabulaan niya mismo sa pamamagitan ng paglalagay ng “FAKE” na sticker sa kanyang IG stories.

“Ako nga tigilan niyo ako sa mga fake claims niyo ah,” sey ni Mariel.

“Super fake!!! Navitas fake to the max, baka lupa laman ng Navitas,” dagdag pa niya.