Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Provincial
Away sa trabaho nauwi sa saksakan sa Laguna; 1 dedo
Gil Aman
Jun 9, 2026
258
Views
PATAY ang isang trabahador matapos kadyutin ng sunod sunod na saksak ng kanyang kasama dahil sa mainitang pagtatalo sa Brgy. Tunhac 1, Famy, Laguna, Lunes ng umaga.
Sa ulat ng Famy Police, kinilala ang nasawing biktima na si alyas Jurex, nasa hustong edad.
Namatay sa Pakil Hospital ang biktima dahil sa tinamong mga tama ng saksak sa katawan ,ayon kay Dr. Marjorie D Official-Gonzales.
Samantala , sugatan naman ang suspek na kinilalang si alyas Juanito Jr.
Ayon sa pulisya, si Juanito Jr. ang unang hinataw ng biktima ng metal pipe ng magtalo ang dalawa hinggil sa kanilang trabaho habang ito ay nagluluto mga dakong 11:30 ng tanghali.
Inresto ang suspek habang ginagamot sa hospital at sasampahan ng kaukulang kaso.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

