Calendar
Ang dead-on-the spot na biktima. Kuha ni JONJON C. REYES
BABAENG RIDER NA HIT-AND-RUN, DEDO AGAD




DEAD on the spot ang isang babaeng rider matapos ma-hit and run Martes ng gabi sa paakyat na bahagi ng Delpan Flyover sa Mel Lopez Boulevard, Binondo, Manila.
Nakilala ang biktima na si alyas Joy, 26, sales associate, at residente ng Monteloyola, San Roque, Navotas City.
Ayon kay Police Capt. Joel Aquino, chief ng Vehicular Investigation Traffic Section (VITS) ng MDTEU- Manila Police District minamaneho ng biktima ang kanyang Honda Click motorcycle (414-XJJ) nang mabangga ng di pa kilalang sasakyan sa tapat ng Delpan Evacuation Center 11:17 p.m.
Bumagsak ang motorsiklo sa kalsada.
Kasunod nito, ang motorsiklo at ang ulo ng biktima ay nasagasan umano ng sasakyan na naka-hit and run.
Dead on the spot ang babaeng rider.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga, natanggal ang safety helmet ng rider na biktima at tumalsik ng ilang metro ang layo mula sa kanyang katawan.
Rumesponde agad ang ambulansya ng MDRRMO sa pamumuno ni Team Leader Ricky Ogena. Matapos ang paunang pagsusuri, idineklara na ang rider ay wala nang senyales ng paghinga o pulso.
Ang bangkay ng biktimaay dinala at iniingatan ng SRB Sanctuary Chapels na matatagpuan sa 1435 Batangas Street, Sta. Cruz, Manila.
Isinasagawa ang follow up investigaiton para sa agarang pagdakip sa suspek.
Samantala nanawagan naman ng hustisya ang mga kaanak at kaibigan ng biktima sa social media.”Around 11pm to 12am july 6 2026 na hit and run ng isang truck na kulay green yung kapatid ko.
Tinakbuhan sya ng nakasagasa sa kanya. Nagbabakasakali lang sana ko baka may nakakita nakapag-video ng pang yayari. Sa tulay ng delpan sa manila .. humihingi nadin ako ng pabor na i share ang post ko para kumalat nagbabakasakali mabasa ng kahit sino mang may impormation.. hindi kami titigil hangat hindi ka nabibigyan ng hustisya .. at sa dun sa nakasagasa sayo. usigin ka ng konsensya . Sumuko ka panagutan mo yung buhay na kinuha mo. Nagpapasalamat po ako sa mag share,” ayon sa post ng kaanak ng biktima.

