Calendar
Bagong Batangas cop chief nagsagawa ng command conference


GINANAP ang unang command conference ng Batangas Police Provincial Office at andoon ang bagong hepe na si P/Col. Meliton Salvadora Jr. noong Miyerkules sa Kampo Miguel Malvar, Batangas City.
Ang aktibidad ay dinaluhan din ng BPPO Command Group, Provincial Staff, Chiefs of Provincial Support Units, Chiefs of Policeat Force Commanders ng Provincial Mobile Force Companies.
Binigyang-diin ni Col. Salvadora ang kahalagahan ng disiplina sa lahat ng tauhan ng pulisya at ang pagsunod sa LOI Tamang Bihis.
Dapat din ang pagpapaigting ng mga operasyon laban sa lahat ng ilegal na aktibidad, partikular sa ilegal na sugal at ilegal na droga.
Tututukan din ng pulisya ng Batangas ang pagpapahusay ng presensya ng pulisya, pakikipag-ugnayan sa komunidad at operasyon.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong pasiglahin ang isang mas disiplinado, tumutugon at epektibong puwersa ng pulisya.
