Sebastian

Balanced fertilization target ng Marcos admin para dumami rice supply

180 Views

TARGET ng administrasyong Marcos ang pagkakaroon ng “balanced fertilization” upang dumami ang produksyon ng bigas sa bansa.

Ayon kay Department of Agricultural (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian ito ang layunin ng DA Memorandum Order No. 32 o ang Implementing Guidelines on the Distribution and Use of Biofertilizers.

“Ang rice production natin dito sa Pilipinas, nakita natin nitong nakaraang taon, nagkaproblema tayo sa mataas na presyo ng fertilizers, iyong inputs. At nakita namin sa Department of Agriculture, kailangan nating hanapan ng paraan na hindi tayo masyadong umaasa sa imported na inorganic fertilizer,” ani Sebastian.

Ayon kay Sebastian mababa na ang soil fertility o kalusugan ng lupa ng bansa kaya kailangan ang fertilizer subsidy para matustusan ang pangangailangan ng mga tanim.

Sa ilalim ng “balanced fertilization,” ipinaliwanag ni Sebastian na ang mga magsasaka ay gagamit ng organic fertilizer at biofertilizer upang maganda ang tubo ng mga tanim.

“At ang biofertilizer ay nagha-harvest din, iyong kumukuha ng nitrogen sa hangin o kaya sa lupa, at kinu-convert into nitrogen na nakukuha ng halaman. Pagkatapos meron pa ring additional na urea. So iyon ang sinasabi natin balanced fertilization,” sabi ni Sebastian.

Ayon kay Sebastian ayaw ng gobyerno na muling maulit ang fertilizer scam kaya inilabas ang guidelines para sa biofertilizer.