PCSO: Mananaya sa Iloilo nanalo ng P225M sa Megalotto 6/45

105 Views

ISANG mananaya sa Pavia, Iloilo ang nanalo ng P225.2 milyong jackpot prize sa bola ng Megalotto 6/45 noong Mayo 12.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng kumbinasyong 14-05-44-25-01-36.

Nanalo naman ng tig-P32,000 ang 75 mananaya na nakalimang numero.

Tig-P1,000 naman ang 4,002 na nakaapat na numero at tig-P30 ang 73,108 mananaya na nakatatlong numero.

Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin nag kanilang premyo.