Sparkle

Barbie, David at iba pa, nag-touchdown na sa Canada

Eugene Asis Apr 4, 2024
81 Views

Barbie2Barbie1David1ALL set and ready to peform na ang Sparkle’s Best na sina Julie Ann San Jose at Rayver Cruz, Barbie Forteza at David Licauco, at Bianca Umali at Ruru Madrid para sa kanilang first-ever back to back tour na Sparkle Goes to Canada April 5 at 7.

Naka-touchdown na sa Canada ang tatlong pasabog na love teams from Sparkle at joining them ay ang resident Kapuso entertainer-host na si Boobay na kasama nilang maghahatid ng kasiyahan at katatawanan sa mga Pinoy sa Canada.

Post ni Barbie sa Instagram: Touchdown Canada. Ayon naman kay David: Who knew long flights can be fun 😅

Kasalukuyang naghahanda na ang grupo para sa mga much-awaited dance numbers, sizzling productions, at super kilig moments na directed by Johnny Manahan.

Mapapanood ang Sparkle Goes to Canada tour this April 5 sa Southview Alliance Church sa Calgary at sa April 7 naman sa Toronto Pavilion, Toronto. For tickets, tawagan ang [587] 834-1820 for the Calgary show at [416] 731-4772 or [416] 825-5750 para sa Toronto show.