Bea1

Like post ni Dominic sa Instagram ni Bea nabura

Eugene Asis Apr 3, 2024
90 Views

SA Instagram account ni Bea Alonzo, nag-upload ang Kapuso actress ng ilang larawan ng kanyang mga kaganapan nitong nakaraang buwan.

“Thank you, March,” aniya sa caption.

Kabilang sa mga litrato na ipinost ni Bea ang isang solo picture kung saan maikli na ang kanyang buhok, at mga pictures sa birthday celebration ni Johnny Manahan o Mr. M., kung saan ay kasama ng aktres ang ilang mga co-stars na mga alaga ng starmaker.

Nang una itong i-post ni Bea, napansin ng ilang netizen na nag-like ang aktor na si Dominiuc Roque na alam naman ng lahat na dating (?) boyfriend ni Bea. May mga comment agad ang netizens.

“At least nakita ko first post naka like si Dom,” sabi ng isa.

“Ang saya ng beadom [heart] ko!” sabi naman ng isang netizen.

Pero hindi nagtagal, nawala na ang comment ni Dominic. Kaya naman nalungkot ang mga tagahanga ng dalawa. Palaisipan sa marami kung bakit nawala ang comment ni Dominic sa post ni Bea.

Noong Pebrero, nag-release ng statement ang BeaDom na tinatapos na nila ang kanilang engagement na naganap noong July 2023. Nagplano sila ng kasal ngayong taong ito pero hindi natuloy.

May mga tsismis na tahimik na nagkabalikan ang dalawa.