Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Metro
Basag Kotse gang tumangay ng P48K, gadgets
Bernard Galang
Apr 5, 2025
1615
Views
NABIKTIMA ang 29-anyos na babae noong Sabado ang ng tinaguriang Basag Kotse gang sa Sto. Tomas, Pampanga, ayon kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo.
Kinilala ang biktima na si alyas Irene ng San Francisco, Mabalacat City, Pampanga.
Sinabi ng biktima na ipinarada niya ang kanyang itim na Hyundai (CIM86) sa harap ng Rahnema building sa Brgy. San Matias, Sto. Tomas bandang alas-8:30 ng gabi.
Pagbalik niya, sinabi ng isang concerned citizen na sira na ang bintana ng sasakyan at nang kanyang suriin nawawala na ang dalawang bag na naglalaman ng P48,000 at gadgets.
Base sa CCTV, binasag ng dalawang lalaki ang kanang bintana sa harap ng sasakyan, kinuha ang mga bag at tumakas sakay ng motorsiklo.
Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
Ama dinampot sa gahasa ng menor de edad na anak
Oct 13, 2026
QC kinondena pamamaril ng 3 ‘nakatambay’ sa QC
Oct 13, 2026
Dahil sa panghahalay, lalaki inaresto
Oct 12, 2026
Police stations dapat malinis–NCRPO chief
Oct 12, 2026

