Suspek Ang arestadong suspek

QC kinondena pamamaril ng 3 ‘nakatambay’ sa QC

24 Views

VictimSINIBAK na sa serbisyo ang tauhan ng Task Force Disiplina na inaresto sa pagpatay sa tatlong lalaki, kabilang ang isang menor de edad, sa Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Kinondena naman ng pamahalaang lungsod ang insidente at nangakong makikipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanagot ang suspek at makamit ng mga biktima ang hustisya.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa kustodiya na ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6 ang suspek. Nakumpiska rin sa kanya ang improvised na baril o paltik na umano’y ginamit sa krimen.

Nilinaw ng pamahalaang lungsod na hindi ini-isyuhan ng baril ang mga tauhan ng Task Force Disiplina.

Nangako rin ang lokal na pamahalaan na makikipag-ugnayan sa mga pamilya ng mga biktima upang maibigay ang kinakailangang tulong at suporta.

Kasunod ng insidente, susuriin ng pamahalaang lungsod ang proseso ng recruitment, screening at pagsasanay ng mga tauhan ng Task Force Disiplina upang matukoy ang mga pagkukulang at maipatupad ang mga kinakailangang reporma.

Binigyang-diin ng pamahalaang lungsod na walang sinuman ang nakahihigit sa batas at dapat manaig ang kaligtasan ng publiko at pananagutan ng bawat kawani.