LTO chief nagpasalamat kay PBBM
Apr 4, 2025
Calendar

Provincial
Batangas ipinadiwang Elderly Week; lolo, lola may cash incentive
Jojo Cesar Magsombol
Oct 19, 2024
209
Views
BATANGAS City–Tumanggap ng cash incentive noong Biyernes ang mga centenarians sa lungsod na ito bilang pagdiriwang ng Elderly Week.
Kabilang sa mga nakatanggap ng incentive sina Lorenza De Guzman, 106, ng Brgy. Cuta; Crecencio Galicia, 105, at Regina Javier, 103, ng Mabacong; Agripina Amul, 103, ng Banaba South; Rosita Sadiangcolor, 103, ng Paharang West; Francisca Gonzales, 102; Felisa Macatangay, 100; at Josefa Delos Reyes, 100, ng Balete; Eleuteria Villena, 101, ng Gulod Itaas; at Felisa Burog, 100, ng Sta. Rita Aplaya.
Binigyan sila ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P100,000 at P30,000 mula kina Congressman Marvey Marino at Mayor Beverley Dimacuha.
Ang naturang okasyon simpleng paraan ng lokal na pamahalaan bilang
pagpapahalaga sa kanilang ambag sa lipunan.
Malaking tulong ang halaga para ipambili ng gamot at pagkain.
Dumalo sa okasyon si Luis Philip Manzano at nagbigay ng P10,000 sa mga centenarians at P100,000 cash para sa raffle prizes.
Ang Elderly Week celebration pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pakikipagtulungan ng City Council For the Elderly (CCE) at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).
Pumatay sa 2-anyos na bata nasilo sa Pampanga
Apr 4, 2025
Pumatay sa 2-anyos na bata nasilo sa Pampanga
Apr 4, 2025
Halos 1 kilo shabu nasamsam sa Clark
Apr 4, 2025
BEST PRACTICES
Apr 4, 2025
Deputy PRO-3 chief na-promote na general
Apr 3, 2025
P7.63M halaga ng ecstasy nasabat sa Clark
Apr 3, 2025
PARANGAL
Apr 3, 2025