Calendar
‘Bayanihan sa Estero’ clean up, isinagawa ng MMDA sa San Juan River
TONE-TONELADANG basura ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa isinagawang paglilinis sa San Juan River sa ilalim ng Lambingan Bridge Miyerkules ng umaga sa San Juan City.
Pinangunahan nina MMDA Chairman Atty. Don Artes at San Juan City Mayor Francis Zamora ang clean-up operation sa ilalim ng “Bayanihan sa Estero” na programa ng ahensiya na nakatuon sa sistematikong pagaalis ng mga basura sa estero at mga ilog sa Metro Manila.
Ang naturang programa ay bahagi rin ng pagtugon ng MMDA sa socio-economic agenda ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na layong palakasin ang pagpapatatag sa sakuna at paglilinis ng mga daluyan ng tubig upang maibsan ang pagbaha sa Metro Manila.
Ayon kay Artes, regular ang paglilinis nilang ginagawa sa drainage systems sa Metro Manila kabilang ang declogging, dredging, pagaalis ng putik at iba pang basura sa daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng pagbaha.
“Our personnel use heavy equipment to haul garbage, especially in desilting and dredging, to deepen and increase water carrying capacity during heavy rains,” pahayag ni Artes.
“This clean-up drive seeks to reinstate the natural flow of waterways, reduce flooding, and foster environmental sustainability and accountability throughout Metro Manila,” dagdag pa nya.
Nagpasalamat naman si Mayor Francis Zamora sa MMDA sa pagdadala sa kanilang lungsod ng serbisyo ng Bayanihan sa Estero na ang makikinabang ay kanilang mamamayan.

