Kotse ng photojournalist pinasabog sa harap ng bahay
Feb 22, 2025
Merlat tumatanggap ng minor role dahil may mga utang
Feb 22, 2025
Calendar

Nation
BBM nagbigay-pugay sa ama sa Libingan ng mga Bayani
Ryan Ponce Pacpaco
May 11, 2022
261
Views
ISANG araw matapos ang halalan, binisita ni President in-waiting Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang puntod ng kanyang ama at kapangalan sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Inilabas ng kampo ni Marcos ang mga litrato ng kanyang pagbisita sa labi ng ama.
Nagbigay-pugay si Marcos sa kanyang ama na naging inspirasyon umano nito sa kanyang buhay at nagturo sa kanya ng halaga ng totoong pamumuno.
Nagpasalamat din si Marcos sa mga sumuporta at bumoto sa kanya at nagbigay sa kanya ng landslide victory sa katatapos na halalan.
Mahigit sa 31 milyon na ang botong nakuha ni Marcos batay sa unofficial tally.