BBM

BBM pinangalanan iba pang miyembro ng Gabinete

152 Views

PINANGALANAN ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ilan sa mga magiging miyembro ng kanyang Gabinete.

Ayon kay Marcos nakausap na nito si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na pumayag ito na maging kalihim ng Department of Finance (DOF).

Si Diokno ay papalitan umano ni Felipe Medalla, na dating naging Socioeconomic Planning Secretary. Tatapusin ni Medalla ang nalalabing bahagi ng termino ni Diokno hanggang 2023.

Si Alfredo Pascual naman ang napili ni Marcos na mamuno sa Department of Trade and Industry (DTI). Siya ay pinuno ng Management Association of the Philippines at dating presidente ng University of the Philippines.

Ang itatalaga namang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay si Manuel “Manny” Bonoan. Siya ay pangulo at chief executive officer ng SMC Tollways.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Marcos sa mga napili nitong miyembro ng Gabinete na kanyang makakatuwang sa pagpapatakbo ng bansa.