Rodriguez

BBM-Sara Proclamation rally ipinagpaliban para iwas gulo

511 Views

NAGDESISYON ang BBM-Sara UniTeam na ipagpaliban ang proclamation rally nito sa Guimbal, Iloilo matapos na pag-initan ng mga kalaban nito sa politika ang mga guro na sana ay tatanggap sa kanila.

Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez na hindi totoo na kanselado na ang pagpunta nina presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. at vice presidential candidate Sara Duterte sa bayan ng Guimbal kundi ililipat lamang ito ng araw.

“The UniTeam organizers, composed of local members of Lakas-CMD, deemed it proper to postpone their event following the distasteful social media posts by zealous supporters of the rival group against the innocent teachers who provided the venue for the UniTeam event,” sabi ni Rodriguez.

Sa paglipat ng araw, umaasa ang BBM-Sara UniTeam na huhupa na ang tensyon sa pagitan ng mga lokal na suporter ng kanilang kalaban sa nalalapit na halalan at mga inosenteng guro.

“To avert a possible discord between fervent local partisans and the innocent teachers, the UniTeam has decided to agree with the postponement,” dagdag pa ni Rodriguez.

Isasagawa sana ang proclamation rally sa Guimbal Stadium sa Iloilo alas-2:30 ng hapon ng Pebrero 24.