Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Duo

Bebot, kelot dinampot sa iligal na pagnotaryo

Edd Reyes Jun 27, 2025
221 Views

SWAK sa selda ang babae at kasabwat na lalaki sa pagno-notaryo ng mga dokumento gamit ang pangalan, seal at lagda ng isang abogado ng walang pahintulot noong Huwebes sa Caloocan City.

Isinagawa ang entrapment dakong ala-1:30 ng hapon ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad sa West Grace Park, Brgy. 71 batay sa reklamo ng abogado na nakatuklas ng paggamit sa kanyang pangalan ni alyas Montemayor, 54, at Cañete, 35.

Batay sa reklamo ng biktima na may notary public sa Quezon City, ginagamit ng mga suspek ang kanyang pangalan, dry seal at lagda ng wala siyang pahintulot sa Caloocan City.

Nang magsagawa ng beripikasyon ang mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng NPD, napatunayang totoo ang bintang ng abogado kaya inaresto ang dalawa.

Sasampahan ng mga kasong paglabag sa Article 177 (usurpation of authority), Article 315 (estafa through other deceit) at Article 172 (falsification by private individuals) ang mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.