Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
Calendar
Metro
Rider natagpuang nakabigti
Melnie Ragasa Jimena
Jun 27, 2025
532
Views
NATAGPUANG nakabigti ang 22-anyos na delivery rider sa loob ng kanyang kuwarto sa Quezon City noong Biyernes.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang ala-1:20 ng madaling araw nang matagpuang nakabigti ang biktima sa Brgy. Nagkaisang Nayon sa Novaliches, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon, bago ang insidente tumawag ang kasintahan ng biktima sa nanay nito at sinabing puntahan ang anak sa kanyang silid.
Agad namang nagpunta ang nanay sa silid at doon bumungad sa kanya ang anak na wala nang buhay.

