NBI Ang mga suspek sa “assume balance-talon” scheme na iniharap ng NBI sa madia.

NBI inaresto 3 Pinoy, 6 Indian nat’l dahil sa carnapping, assume balance scam

Jon-jon Reyes Jun 27, 2025
350 Views

INARESTO ng mga agents ng National Bureau of Investigation (NBI), sa pamumuno ni Director Jaime Santiago, ang tatlong Pinoy at 6 na Indian nationals dahil sa kasong carnapping at syndicated estafa sa Paranaque City.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Teotima, Rose at Michael at nakilala ang anim na Indian nationals na sina Sajjan Sarandkar, Sai Charan, Kuyalvathan, Sai Haran, Athan Nithin at Kamepalli.

Inaresto ang mga suspek mula sa reklamo na inihain laban sa kanila para sa mabawi ang sasakyan ng biktima na ibinenta ng mga suspek na walang pahintulot.

Ayon sa complainant, nabigo siyang magbayad ng monthly amortization ng sasakyan kaya inalok niya ito sa kahit na kanino. In-assume ng MCars ang sasakyan at ipinasa sa suspek na si Batutay na ibinenta naman kay Castulo kasama si Sarkar at isinangla kay Anand sa halagang P120,000.

Humingi ng P450,000 ang mga suspek para sa pagbabalik ng sasakyan at kung hindi icha-shop-chop ang sasakyan niya.

Nahuli ng mga ahente ng NBI-NCR ang mga nabanggit ng mga suspek na miyembro ng sindikatong sangkot sa “assume balance-talon” scheme at nabawi ang sasakyan ng complainant.

Pinuri ni Santiago ang mga ahente ng NBI-NCR sa operasyon, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga akusado at pagbawi ang sasakyan ng biktima.