Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Bebot

Bebot na pasaherong galing Brazil, timbog sa tangkang pagpasok ng P39.1M halaga ng cociaine sa PH

Edd Reyes Jan 31, 2026
195 Views

TIMBOG ang 38-anyos na babaeng pasahero na nagtangka umanong magpuslit ng P39.1 milyong halaga ng cocaine sa bansa Biyernes ng madaling araw sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City.

Huwebes ng hatinggabi nang makatanggap ng impormasyon ang NAIA Poice Station 3 kaugnay sa pagdating ng bebot na pasahero mula sa Sao Paulo, Brazil via Doha, Qatar kaya’t kaagad na inalerto ang NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) para masakote ang suspek.

Nang isailalim sa X-ray inspection sa Customs Exclusion Room ng Customs International Arrival Area ang bagahe ng pasahero, nakatunog ang Bureau of Customs X-ray Inspector na may kahina-hinalang laman ang bag kaya’t ginamit ang Narcotics Detection Dog (NDD ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) K9 unit na si “John” na positibong naalerto nang maamoy ang laman ng bag.

Nang buksan ang naturang bag, nakita sa loob nito ang laman ng mga improvised pouches na binalot ng packaging tape, plastic, carbon paper at foil na humigit-kumulang 8,197 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng Php39,181,660.00.

Nasa ilalim na ng kostodiya ng NAIA-IADITG ang bebot na pasahero at ang nakumpiskang ilegal na droga upang isailalim sa wastong dokumentasyon ang tamang disposition.

“The transportation of illegal drugs is becoming increasingly rampant. However, the PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP), together with our partner agencies under the NAIA-IADITG, maintains strict and layered security measures to prevent the entry of illegal drugs through the country’s primary aviation gateways,” pahayag ni P/BGen Dionisio Bartolome, Jr, Director of the PNP AVSEGROUP.