Calendar
Bebot tiklo sa pagbebenta ng LPG
HERMOSA, Bataan–Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Miyerkules ang babaeng nagbebenta ng hindi awtorisadong LPG cylinders sa bayang ito.
Ayon kay CIDG RF3 chief Col. Grant Gollod, unang nahuli sa Brgy. Balsik si alyas Venus, 50, dahil sa umano’y pagbebenta ng LPG cylinders na may rehistradong trademark ng Republic Gas Corporation (REGASCO) ng walang pahintulot.
Nasamsam sa operasyon ang buy-bust at boodle money, 24 walang lamang LPG cylinder tanks na may tinatayang halagang P24,000.
Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 623 na inamyendahan ng RA 5700 at RA 8293.
Kinagabihan, inaresto naman ng mga operatiba ng CIDG si alyas na Pang, 23, dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165.

