Bela Mga larawan mula sa IG/@bela at @danibarretto

Bela sobrang proud kay Dani Barretto

204 Views

NAG-ALAY ng mensahe ang actress-director na si Bela Padilla para sa kanyang celebrity friend na si Dani Barretto.

Sa isang Instagram story, ni-repost ni Bela ang larawan ni Dani na ipinagdiriwang ang kanyang ika-30 kaarawan kalakip ang isang makabagbag-damdaming mensahe para sa kaibigan.

Sey ni Bela nakita niya raw kung paano lumago si Dani bilang tao at alam niyang simula pa lamang ito ng mga kaya niyang gawin.

Pahayag pa ng actress-director na nilo-look forward pa niya ang mga gagawin ni Dani ngayong taon at sinabing lagi lang siyang nariyan para suportahan ang celebrity friend.

Aniya pa, proud siya rito palagi.

“To my dearest Dani, you have grown so much in the last year and I know that was just the beginning…” wika ni Bela.

“Excited to see where you’ll go this year, and whenever you do decide to shine, I’m always behind your back! Love you, Danigirl! So proud of you, always,” dagdag pa niya.