Andrea Brillantes CAPTION: Screenshots mula sa TikTok/Andrea Brillantes

Andrea ayaw nang bumalik kay Ricci

156 Views

KINAALIWAN ng netizens ang naging reaksyon ng aktres na si Andrea Brillantes matapos niyang subukan ang “My love life this year…” filter sa social media platform na TikTok.

“My love life this year… let’s go,” sey ni Andrea.

Laking gulat ng aktres nang “you’ll fall back in love with your ex” ang lumabas na resulta matapos niyang subukan ang nasabing filter.

“Hoy hindi. Te, no! Pangit na atake yan. Hindi tayo gaganyan this year,” saad ng “Senior High” star.

Matatandaang naging usap-usapan ang hiwalayan ni Andrea at dati niyang nobyo at basketbolistang si Ricci Rivero.

Sa parehong video, inulit ni Andrea ang paggamit sa filter upang makakuha ng bagong resulta.

Ayon sa aktres ay ayos lang daw na single siya ngayong taon at kahit tatlong taon pa dumating ang susunod na magiging dyowa niya ay ayos lang sa kanya.

Sa ikatlong ulit niya ng TikTok filter ay lumabas ang resulta na “non-existent” ang kanyang love life ngayong taon. Sumang-ayon naman ang aktres sa resulta at natawa na lamang.

Nagbigay reaksyon naman ang ilang netizens sa post ni Andrea.

“WALANG MA FA-FALL BACK SA EX, SA PAMILYANG ITOO.”

“Sana wag na bumalik masaya kana ngayon wag mona ulit saktan sarili mo.”

“Maging matatag ka wag babalik sa ex haha.”