Bianca Umali

Bianca trending bilang bagong gaganap sa susunod na kabanata ng Encantadia

Eugene Asis Oct 25, 2023
165 Views

USAP-USAPAN sa social media ang big reveal ng isa sa mga bagong Sang’gre na si Kapuso Prime Gem Bianca Umali.
Ito ay magaganap sa susunod na kabanata ng hit fantasy series ng GMA7 na Encantadia.

Inanunsyo noong Lunes, (October 23) sa 24 Oras ang bigating project ni Bianca na gaganap bilang Terra, ang anak ni Sang’gre Danaya (ginampanan ni Sanya Lopez sa naunang Encantadia).
Ang huling kabanata ng Encantadia ay napanood noong 2016 kung saan tampok sina Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Gabbi Garcia at Kylie Padilla. Sa interview ng TV reporter na si Nelson Canlas, ibinahagi ni Bianca ang kanyang taos-pusong pasasalamat para sa GMA at kanyang mga tagasuporta.

Aniya, “Paulit-ulit ko sinasabi na I’m very thankful, of course, to my supporters. Hindi ko hiniling pero ito, ipinagkaloob sa akin. That’s why I’m very, very thankful. Thankful to my Network kasi sa tiwala. I assure na they will not be disappointed. I will not fail anyone.”

Kasunod ng official announcement, nag-trend sa X (dating Twitter) si Bianca pati ang topic na “Encantadia” at #Sanggre.

Sabi ng ilang netizens, “I can’t think of any other actress perfect for the role, but Bianca Umali alone. Sayong sayo talaga ‘yan! Isa si Bianca Umali sa mga artista ng GMA na talagang pang-fantaserye! Can’t wait na makilala ang iba pang cast! Excited to watch this Encantadia Chronicles. Thanks, GMA Network, Ms. Suzette Doctolero, and Direk Mark (Reyes)!”

Samantala, ayon sa GMA Network, malapit na ring makilala ang iba pang mga gaganap na bagong Sang’gre na ang isa ay kilalang primetime young actress.