Kris Bernal Larawan mula sa IG/@krisbernal

Kris Bernal ‘di na kaya alagaan mag-isa ang anak

174 Views

NAGHAHANAP na nga ngayon ng yaya para sa kanyang anak na si Hailee Lucca ang aktres na si Kris Bernal matapos niyang manganak dalawang buwan ang nakakaraan.

Sa kanyang Instagram stories nitong Martes, Oktubre 24, nag-job posting ang celebrity mom. Ibinahagi niya ang ilang kuwalipikasyon para sa hinahanap niyang mag-aalaga sa kanyang anak.

“Looking for yaya for Hailee (Referrals only),” sey ni Kris.

Ayon sa aktres ayaw niya sa bara-bara magtrabaho bagkus ang gusto niya ay pulido.

Bet din ng aktres na malinis sa katawan at marunong makinig sa kanya.

Ilan pa sa mga hinahanap niyang quality ng yaya ay honest, dependable, mahaba ang pasensiya at alert sa kanyang baby, at marunong rumespeto ng kanilang privacy.

Matatandaang kamakailan lamang ay inamin ni Kris na araw-araw siyang umiiyak ngayong nasa postpartum state siya.

“It’s hard. It’s okay to talk about how hard this phase is. I cry every single day as it feels endless, and I feel alone. I miss my old life. I miss the old me,” wika ng aktres.

“Postpartum hit late on me. I was thriving during the first 5-6 weeks until I realized, paulit-ulit na lang at pagod na ako. I am human. It’s okay to be vulnerable. It’s okay to admit that I’m struggling,” saad pa niya.