Calendar
Binatilyo natagpuang nakabigti sa loob ng simbahan; pari humingi ng dasal
NATAGPUANG nakabigti ang isang binatilyo sa loob ng St. William Parish Church noong Setyembre 24 kaya pansamantalang isinara ang simbahan.
Nnawagan si Fr. Moises Tacardon, kura paroko, na dapat mas pahalagahan ang damdamin ng kapwa at makinig sa mga may mabigat na pinagdaraanan.
“Isa ini ka daku nga panawagan nga talupangdon naton ang balatyagon sang iban (Isa itong malaking panawagan para sa ating lahat na pahalagahan ang damdamin ng bawat isa, lalo yaong mga hindi palaging nakapaglalahad ng kanilang nararamdaman),” sabi ni Fr. Tacardon.
Hinikayat ng simbahan ang publiko na iwasan ang panghuhusga at sa halip ay ipanalangin ang kaluluwa ng binatilyo.
“Kon nga-a natabo ini sa simbahan, luyag kita magpati nga may sense of God sa iya bisan pa sa kabug-aton sang iya ginadala (Kung nangyari ito sa loob ng simbahan, nais nating paniwalaan na nanatili pa rin ang kanyang sense of God sa kabila ng bigat ng kanyang dinadala).”
Nagpaabot din ng pakikiramay ang simbahan sa pamilya ng biktima at tiniyak ang panalangin para sa kanilang paghilom. Umaasa ang parokya na magsilbing aral ang insidente para higit na mapansin ang mga tahimik na nagdurusa.
Pansamantalang isinara ang simbahan para sa Act of Reparation at paghahanda sa Consecration. Sa Jubilee Hall muna gaganapin ang mga misa, habang kanselado ang mga misa sa kapilya. JOURNALNEWS MONITORING

