Calendar
Klase sa lahat ng antas sa Maynila sa Biyernes at Sabado, sinuspinde na ni Mayor Isko
SUSPENDIDO na ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa araw ng Biyernes at Sabado, Setyembre 26 at 27 sa Lungsod ng Maynila.
Sa inilabas na anunsiyo ni Mayor Isko Moreno Domagoso, nagpasiya siyang suspendihin ang face-to-face classes, makaraan itong irekomenda ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) sa kanya Huwebes ng tanghali.
Sinabi ng alkalde na paghahanda na rin ito sa inaasahang hagupit ng bagyong Opong na ayon sa pagtaya ng weather forecasters ay magdadala ng malakas na buhos ng ulan na posibleng magdulot ng pagbaha at bugso ng malakas na hangin sa Metro Manila at karatig na lalawigan.
Inabisuhan ng alkalde na lahat ng paaralan sa kapitolyo ng bansa na mag-shift muna sa Alternative Delivery Mode o ADM.

