Tauhan ng PRO 4A nagtipon para sa DPPA
May 30, 2026
Calendar
Provincial
Boga, shabu nasamsam sa kelot
Jojo Cesar Magsombol
Mar 28, 2026
147
Views

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas— Nadakma noong Huwebes ng mga tauhan ng Talisay police ang isang tour guide dahil sa paglabag sa RA 10591 at RA 9165 sa Brgy. Leynes, Talisay, Batangas.
Ang suspek, ayon kay Batangas police director PCol. Marlon Rufo, si alyas RenRen, 39.
Nahuli ang suspek bandang alas-7:35 ng umaga sa bisa ng search warrant na inisyu ng Presiding Judge ng 5th MTC ng Talisay-Laurel, Batangas.
Nakumpiska sa suspek ang sling bag, cal .38 revolver na may tatlong bala, lighter, at 5 gramo ng shabu na may halagang P34,000.
Naipaalam tungkol sa kanyang mga karapatang konstitusyonal ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng Talisay police.
Tauhan ng PRO 4A nagtipon para sa DPPA
May 30, 2026
Nagtatag ng Gawad Kalinga inaresto sa Bulacan
May 30, 2026
Pandesal vendor utas sa pamamaril
May 30, 2026
Kalsada sa Naujan ipinasemento; biyahe giginhawa na
May 30, 2026

