Cabotaje

Booster shot para sa non-immunocompromised na edad 12-17 ipinagpaliban

230 Views

IPINAGPALIBAN ng gobyerno ang pagbibigay ng booster shot sa mga non-immunocompromised na bata na edad 12 hanggang 17, ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ay matapos na magtakda ang Health Technology Assessment Council (HTAC) ng kondisyon na maaari lamang makapagbigay ng booster shot sa mga hindi immunocompromised na edad 12-17 sa mga lugar kung saan nabigyan na ng booster shot ang 40 porsyento ng mga senior citizen.

Sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na nakikipag-ugnayan na anhg DOH sa HTAC upang maalis ang kondisyong itinakda nito.

Ayon kay Cabotaje makabubuti kung mananatili na ang kondisyon sa booster shot ng mga edad 12 hanggang 17 ay ang limang buwang pagitan mula ng mabakunahan sila ng kanilang ikalawang dose laban sa COVID-19.