Chief

Brgy chief: Bagong pag-asa ang bagong taon

Christian Supnad Jan 8, 2026
299 Views

ALAS ASIN, Mariveles–Nanawagan ang barangay captain dito ng pagkakaisa at ibayong paglilingkod sa kabarangay ngayong 2026.

“Sa pagsisimula ng Bagong Taon, atin pong binubuksan ang panibagong yugto ng pag-asa, pagkakaisa at mas pinalakas na paglilingkod para sa bawat kabarangay,” sabi Dante Malimban, ang barangay captain.

Ayon sa kanya, paalala ang bagong taon ng panibagong pagkakataon upang pagbutihin ang mga gawain at patatagin ang ugnayan bilang isang komunidad.

“Sa gitna ng mga hamon na maaari nating harapin, nawa’y manatili ang ating diwa ng bayanihan—ang pagtutulungan, pag-unawa, at malasakit sa isa’t isa.

Sama-sama po nating harapin ang bawat pagsubok nang may tapang, pananampalataya, at malasakit para sa kapakanan ng lahat,” ayon sa barangay captain.