Calendar
Buhay na buhay ang Uniteam sa ginanap na BPSF sa Tagum City
๐ง๐๐๐จ๐ ๐๐๐ง๐ฌ – ๐ฆ๐ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐๐ฎ๐ถ๐ฟ (๐๐ฃ๐ฆ๐) ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ ๐๐ถ๐๐, ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ก๐ผ๐ฟ๐๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ญ๐ฒ๐ณ ๐บ๐ถ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฟ๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฑ๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ป ๐๐ผ๐บ๐ฒ๐ ๐ฅ๐ผ๐บ๐๐ฎ๐น๐ฑ๐ฒ๐ ๐ฏ๐ถ๐ป๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐๐๐ฎ ๐ป๐ฎ “๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐จ๐ก๐๐ง๐๐๐ ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ๐ป๐ด ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐.
Ayon sa mga kongresista kabilang na si House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco, buhay na buhay ang UNITEAM sa inilunsad na BPSF sa naturang lalawigan na tinatawag na “unprecedented” bunsod ng ipinakitang pagkakaisa o “show of unity” ng mga kapwa nito kongresista kung saan kasama sa mga dumalo si dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga 2nd Dist. Cong. Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi naman ni Davao Oriental Cong. Cheeno Miguel Almario na ang ipinakita nilang “show of force” sa Tagum City ay isang napakalinaw na testamento o pagpapatunay na buhay na buhay ang UNITEAM sa Tagum City, Davao del Norte para suportahan ang mga programang isinusulong ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos,Jr. para matulungan ang libo-libong mamamayan na kasalukuyang dumaranas ng matinding kapighatian dulot ng karukhaan.
Binigyang diin pa ni Almario na ang ipinakita nilang show of force ay nagpapatunay din ng kanilang commitment para direktang maibigay o maihatid sa mamamayang Pilipino ang kinakailangang serbisyo para sa kanila upang walang Pilipino ang makaligtaan o napagkaitan ng tulong.
“Buhay na buhay ang UNITEAM sa Tagum City, Davao del Norte. What we have seen is an unprecendented ahow of unity among lawmakers for a program that highlights our commitment to bringing essential government services directly to the people. Ensuring that no Filipino is left behind,” wika ni Almario.
Kasabay nito, nasa kabuuang P913 million halaga ng government services at financial assistance ang ipinamahagi ng pamahalaan para sa nasa 250,000 residente ng Davao del Norte. Kung saan, ito ang pinakamalaki at pinakamaraming bilang ng mga benepisyaryo mula ng simulan ang BPSF noong nakaraang taon.
Umaasana naman si Frasco na marami pa sanang ilulunsad ng BPSF ang pamahalaan para matulungan ang maraming mamamayang Pilipino na kasalukuyang dumaranas ng krisis dahil napalalaki aniya ang naitutulong ng BPSF para sa mga mahihirap na mamamayan.
Ang BPSF ang pangunahing programa at pinangunahan mismo ni Pangulong Marcos,Jr. na naging “instrumental” para maipaabot at maipagkaloob ang financial aid, livelihood assistance at iba pang serbisyo ng gobyerno sa mamamayang Pilipino mula sa iba’t-ibang lalawigan at rehiyon sa bansa.
“The fair in Davao del Norte is a testament to the Marcos adminitration’s dedication to serving its citizens and the efforts of the House of Representatives under Speakee Romualdez in fostering national development through direct engagement amd support,” sabi pa ni Almario.