Camille Larawan mula sa IG/@camilleprats

Camille Prats inoperahan sa paa

145 Views

ISINIWALAT ng celebrity mom na si Camille Prats na sumailalim siya sa isang operasyon kung saan may tinanggal na uri ng “cyst” sa kanyang paa.

Sa latest Instagram post ng aktres nitong Martes, Nobyembre 14, ibinahagi niya ang ilang larawan kung saan makikita siyang nagpapagaling matapos ang operasyon.

Sey ni Camille ay ipinatanggal niya ang ganglion cyst sa kanyang kaliwang paa dahil lumalaki ito at nagbibigay pahirap sa kanya sa tuwing magsusuot ng sapatos.

Kuwento pa ng celebrity mom na akala niya’y mabilis lamang maghihilom ang sugat matapos siyang operahan pero umabot ito ng isang buwan para sa kanya.

“About a month ago, I had a minor surgery on my left foot. Had a ganglion cyst removed coz its been growing and bothering me whenever I wear rubber shoes for workout,” wika ni Camille.

“Recovery took more than expected, doc said 10 days but the wound wasn’t healing as fast as I’d hoped. This meant no workout for a month for me. For a time, I felt frustrated for not being able to do my usual routine. I also know that the lack of workout for a long period of time means muscles will weaken and it will be very challenging to start all over again,” pagpapatuloy niya.

Matapos ang isang buwan ay masaya ang aktres dahil nakabalik na siya sa pagwo-workout at usual routine.

Saad pa niya’y nahirapan siya sa pagbalik sa pag-eehersisyo dahil matagal na nahinto siya dahil sa operasyon at pag-recover.

“A month of recovery and I finally got to workout again.. what can I say… its soooo hard!!! I almost always want to stop, but then I realized, I have to keep going and get over the hard part for me to get stronger and do it again the next day. I was reminded once again what discipline is all about; doing it even when you don’t feel like it,” pahayag ni Camille.

“Here I am, back at 121 lbs, struggling and starting all over again one day at a time. If this is your day 1, you can do it! Tara? Sabay sabay tayong mahirapan?” dagdag pa niya.