gabbi Larawan mula sa IG/@gabbi

Gabbi, Khalil nagliwaliw sa New York

106 Views

NAMASYAL ang celebrity couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa Brooklyn, New York City.

Sa Instagram page ni Gabbi nitong Linggo, Nobyembre 12, ibinahagi niya ang kanilang sweet moments ni Khalil sa pamamagitan ng video reel.

Para sa aktres, perfect ang pagliliwaliw nila ng nobyo kahit na naiputan pa siya ng ibon sa pantalon, ang mahalaga raw ay magkasama silang dalawa.

“One fine day in brooklyn. walking endless miles, catching bird poop on my pants, nyc subway thrill, unli carbs, sunshine, coffee dates, getting lost, more food. any day is perfect, as long as we’re together,” pahayag ni Gabbi sa caption ng kanyang post.

“I love you always darling,” komento naman ni Khalil sa post ng kanyang nobya.

Tila kinilig naman sa comment section ang mga netizens sa sweet moments ng celebrity couple.

“They look perfect together & lucky to have each other.”

“So cuteee.”

“Tamis naman!”

Mom & Dad.”