Kc Larawan mula sa IG/@kristinaconcepcion

KC ayaw magbayad sa first date

70 Views

PARA sa aktres na si KC Concepcion, mas gusto niya raw na lalaki ang nagbabayad sa first date kaysa mga babae.

Sa Q and A vlog ng aktres, isang netizen ang nagtanong kung dapat bang sagutin ng mga babae ang pagbabayad sa unang first date.

“No way! Not for me,” sey ni KC.

“Actually, I really appreciate it everytime the man shoulders the bill,” pagpapatuloy pa niya.

Saad pa niya ay nakadepende pa rin naman daw sa babaeng kasamang ka-date kung mag-aabot din ng bayad.

Pero mas bet daw ng aktres na makaramdam ng kilig at itrato siya ng may pag-aalaga kat ma prefer niyang mga lalaki ang magbayad sa first date.

“And ladies, it’s up to us also to offer to pay as well. I think men really appreciate that,” pahayag ni KC.

“But I think, on the first date, I love it when the man takes care of the bill talaga,” aniya pa.

“Pero kung hindi ganun yung nangyari, it doesn’t mean na hindi okay. I’d like to feel like a woman, na kilig ako, I’d like to be taken care of,” dagdag pa ng aktres.