CHR

CHR may bagong chairperson

195 Views

INANUNSYO ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagtatalaga kay Leah Tanodra-Armamento bilang bagong chairperson ng ahensya.

Si Tanodra-Armanento ang papalit sa pumanaw na si CHR chair Jose Luis Martin “Chito” Gascon na nasawi noong nakaraang taon sanhi ng komplikasyong dulot ng COVID-19.

Siya ay hindi na bago sa CHR at dati ng naging commissioner ng ahensya.

Si Tanodra-Armanento ay dating nagtrabaho sa Office of the Solicitor General bilang associate solicitor bago nalipat sa Department of Justice (DOJ) bilang State Prosecutor.

Noong 2003, si Tanodra-Armamento ay naitalaga bilang DOJ Assistant Chief State Prosecutor na nagrepaso ng Final Peace Agreement sa pagitan ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MILF). Siya ay naitalaga rin na DOJ Undersecretary.