Christian Larawan mula sa FB/Christian Bables

Christian Bables naantig puso sa batang kalye

120 Views

IBINAHAGI ng award-winning actor na si Christian Bables ang kuwento kung saan naka-encounter siya ng isang batang kalye na ikinatuwa niya ang ugali.

“While I was waiting for my order, kinatok ng batang nasa picture ‘yung bintana. So nag-prepare ako ng barya para ibigay sa kanya, pero natuwa ako pagbukas ko ng bintana kasi imbis na manghingi siya ng pera, ang una kong narinig sa kanya ‘trick or treats po.’ It made me smile in an instant,” sey ni Christian sa isang Facebook post nitong Huwebes, Nobyembre 23.

Tawang-tawa ang aktor sa naging dahilang nang isauli ng bata ang perang ibinigay niya rito at maging ang isang supot ng pagkain.

“When the munchkins arrived, inabot ko na sa kanya yung lahat ng nabili ko and kaunting money. Hindi niya tinanggap yung pera, and binalik sakin yung isang bag ng munchkins. Sabi niya, ok na daw yung mga donuts. Maglilinis na lang daw siya ng sasakyan para may pera siya at akin na lang daw yung isang bag ng munchkins kasi kailangan ko daw kumain PARA HINDI DAW AKO MAMATAY. Sobrang lakas ng tawa ko!” kuwento ng aktor.

May natutunan naman daw si Christian mula sa encounter na iyon kasama ang bata.

“Pero after a while I realized, ito yung konsepto niya ng survival. Para ‘hindi siya mamatay’. Ang maghanap ng kakainin sa bawat araw at ang mag trabaho ng marangal (imbis na mag aral) para magka pera at maka kain at para ‘hindi siya mamatay'” aniya pa.