Michelle dee Larawan mula sa IG/@michelledee

National costume ni Michelle Dee winner sa Ms U

144 Views

PANALO ang isinuot na airplane inspired outfit ni Ms. Universe 2023 Philippines Michelle Dee bilang ‘Best National Costume’ sa Ms. Universe 2023.

Itinanghal ng Miss Universe organization nitong Biyernes, Nobyembre 24 na si Michelle ang nanalo at nakakuha ng pinaka maraming boto sa kanilang app para sa Best National Costume.

Bukod sa nasabing parangal, nauna nang nakakuha ng special award ang naging pambato ng Pilipinas kabilang na ang Carnival Cruise Award, No. 1 Fan Vote at Voice for Change Award.

Ang isinuot ni Michelle na national costume ay espesyal para sa kanya dahil sinaluduhan niya ang kanyang naging role bilang Air Force reservist ng Pilipinas.