Calendar

Command center malapit na sa Limay
LIMAY, Bataan–Magkakaroon na ng command center ang bayan ito dahil sa inisyatibo ni Mayor Richie Jason David at konseho.
Ito ang iniulat ni Mayor David sa Mayors’ League meeting at napag-alaman ng media na patuloy ang mga hakbang ng mga iba pang alkalde upang mapabuti ang kaligtasan at serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.
Katulad ng inisyatibo sa Abucay sa pamumuno ni Mayor Robin Tagle, malapit na rin mag-operate ang makabagong command center ng Limay na magsisilbing mahalagang hakbang tungo sa mas pinahusay na public safety.
“Ang command center ng Limay naglaan ng mas maraming camera upang magbigay ng mabilis at maayos na response sa mga insidente at kalamidad, at upang matiyak ang kaligtasan ng bawat residente at bisita sa bayan,” ani Mayor David.
Sa mga makabagong kagamitan at mas pinahusay na sistema, mas magiging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad, dagdag pa ni David.
Ang municipal hall ng Limay ang may escalator at elevator upang hindi mahirapang umakyat ang mga tao na humihingi ng tulong sa pamahalaan.