Calendar
Cong. Dan Fernandez iginiit sa meralco at iba pang power distributors na ibalik ang sumobrang singil nila sa mga electric consumerss
Fernandez sa power distributors: Ibalik sobrang singil sa electric consumers
IGINIIT ngayon ng isang Southern Tagalog congressman na dapat ibalik ng Manila Electric Company (Meralco) at iba pang “power distributors” sa kanilang mga consumers sa pamamagitan ng refund ang sobrang ibinayad ng mga ito sa kanilang “electric bill”.
Sinabi ni Santa Rosa Lone Dist. Cong. Dan S. Fernandez, Chairman ng House Committee on Public Order and Safety, na tinatayang P200 bilyon piso ang kailangang ibalik o i-refund ng Meralco sa kanilang mga consumers na maituturing na “unauthorized profit”.
Dahil dito, ipinaliwanag ni Fernandez na inaasahang P105 bilyon piso ang kinakailangang maibalik ng Meralco at iba pang “power distributors” sa kanilang mga consumers mula sa nakunsumo nilang kuryente o electric supply sa loob ng anim na taon.
Ayon kay Fernandez, habang ang mga nasa labas naman ng Metro Manila o yung mga nasa lalawigan ay kailangang ibalik ang tinatayang P100 bilyon mula sa kanilang electric consumption.
Nabatid sa mambabatas na ang iginigiit niyang refund mula sa Meralco at iba pang power distributors ay alinsunod sa illegal na pagpapahintulot umano ng Energy Regulatory Commission (ERC) na maningil ang mga nasabing electric companies ng singil sa kuryente na taliwas o labag sa itinatakda ng batas mula pa noong 2016.
Nauna rito, isiniwalat ni Fernandez sa pamamagutan ng isang privilege speech sa Kongreso ang nangyaring iregularidad o anomalya sa computation ng ng Weighted Average Cost of Capitol (WACC) na isinisisi sa mga opisyal ng ERC at sa mga electricity distribution firms.
“ERC’s inability to do its responsibility as provided by law is highly suspicious. As a result of their negligence, ERC officials made electricity cost in the country one of the highest. If not highest in the region,” sabi ni Fernandez patungkol sa ERC.