Fernandez

Cong. Fernandez nagbabala vs bogus training centers

Mar Rodriguez Sep 5, 2022
232 Views

NAGBABALA ngayon ang isang Southern Tagalog congressman laban sa mga pekeng “training centers”na nagtuturo ng “aesthetic at dermatological procedures” na pinangangambahang maaaring magdulot ng matinding problema sa kalusugan ng publiko.

Dahil dito, iginiit ni Sta. Rosa City Lone Dist. Cong. Dan S. Fernandez, Chairman ng House Committee on Public Order and Safety, sa pamahalaan na agad na kumilos laban sa mga naglipang “bogus” na “aesthetic at dematological training centers”.

Ipinaliwanag ni Fernandez na ang isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakailan laban illegal operator ng training center na si Wenie Garupa Argonza ay isang malinaw na “eye opener” na laganap ang mga pekeng traning centers sa bansa.

Binigyang diin ng mambabatas na dapat ikabahala hindi lamang ng publiko kundi ang pamahalaan mismo para “ma-regulate” ang operasyon ng mga aesthetic at dematological clinics sa bansa maging ang mga eskuwelahan na nagtuturo at nagsasanay ng mga estudyante.

Sinabi pa ng kongresista na nakakagulat aniya ang inilabas na report ng NBI kung saan natuklasan na nakakapag-operate ang mga tulad ni Argonza kahit walang lisensiya at wala rin pormal na edukasyon o background pata magturo sa kaniyang mga estudyante.

Ayon sa kaniya, nagbabayad ang mga estuyante ni Argonza ng P100,000 para sa training fee upang mag-aral ng aesthetic at dermatological procedures kahit hindi naman ito dalubhasang doktor.

“The Professional Regulations Commission (PRC) and the Department of Health (DOH) should be made aware of this NBI discovery. What I found from he NBI reports is shocking. How can a person without any professional license operate,” ayon kay Fernandez.