Vargas

Cong. Pm Vargas nanawagan kay PBBM na bigyan ng salary increase ang mga Gov’t Doc

Mar Rodriguez Aug 30, 2022
165 Views

Panawagan kay PBBM: Gov’t doctors bigyan ng salary hike

NANANAWAGAN ngayon ang isang neophyte Metro Manila congressman kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa “upgrading” o “salary increase” ng mga govenment doctors bilang pagkilala sa kanilang naging konstribusyon at sakripisyo upang puksain ang paglaganap ng COVID-19 virus.

Sinabi ni Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” Vargas na kaalinsabay ng pagdiriwang ngayon ng “Heroe’s Day” isang napaka-gandang regalo aniya para sa mga government doctors bilang mga bayani ng kasalukuyang panahon ang pagkakaloob sa kanila ng “salary increase” bilang pagkilala sa kanilang mga nai-ambag para sa bansa.

Nabatid kay Vargas na ang kaniyang panawagan ay nakapaloob din sa panukalang batas na isinulong nito sa Kamara de Representantes sa ilalim ng House Bill No. 1682 na may pamagat na “Salary Increase for Government Doctors Bill”.

Sinabi ni Vargas na layunin ng kaniyang panukalang batas na madagdagan ang kasalukuyang sinasahod ng mga doktor mula Salary Grade 21 (P62,449) ay gawin itong Salary Grade 23 (P78,455).

“Amidst the ongoing challenges brought about by the pandemic. It is imperative that we recognize and thank this generation’s heroes – doctors and other medical frontliners who continue the good work of saving lives and protecting the Filipino people from COVID-19,” sabi ni Vargas.

Ayon pa sa kongresista, sa loob ng 50 araw niya bilang kinatawan ng 5th District ay naisulong niya ang 50 panukalang batas na mayroong kaugnayan sa kalusugan at labor sector sapagkat kailangan aniyang tutukan ang sektor ng mga doktor at mga manggagawa.