PAGASA

Bagyo posibleng pumasok sa PAR

159 Views

ISANG bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkoles.

Ang bagyong may international name na Hinnamnor ay nasa silangan ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) wala pang direktang epekto sa Pilipinas ang naturang bagyo.

Sa paglapit ng bagyo sa kalupaan ng bansa ay magpapalakas umano ng Hanging Habagat na magdadala ng mga pag-ulan.

Kapag pumasok sa PAR tatawagin itong bagyong Gardo.