DOH

COVID-19 Update: Aktibong kaso lalong nabawasan

206 Views

MULING nabawasan ang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong araw ng Huwebes.

Ayon sa Department of Health (DOH) nadagdagan ng 4,575 ang bilang ng mga nahawa at 7,504 naman gumaling.

Umakyat na sa 3,627,575 ang kabuuang bilang ng mga naitalang nahawa ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 93,307 ang aktibong kaso at 3,479,485 naman ang mga gumaling.

Mayroon namang 54,783 na pumanaw, nadagdagan ng 94 ngayong araw.